Minsan hindi mo aakalain na tatamaan ka sa isang tao na noon eh hindi mo naman napapansin.pero paano kung nung marealized m nararamdaman m sakanya, huli na pala ang lahat? me halaga pa bang ipaglaban nararamdaman mo sakanya? o hahayaan mo na lang sya mapunta sa iba?
THE STORY GOES LIKE THIS:
magkaklase kaming dalawa ngayong first year college namin.nung unang kita ko skanya nung first day of school,well, sabihin nating normal lang tingin ko sakanya. except for sa lahat ng nakita kong babae sa room namin, hmmmm sobrang cute nia sa paningin ko…(especially when she wear eyeglasses)hmmm…sabihin na nating crush ko lang siya dat time…humahanga…un akala ko…
as time past by na magkasama kami sa iisang room, naging malapit kami sa isat isa. madalas kaming naghaharutan, nagkukulitan, nag-iinisan. dun ko unti-unting naramdaman na hindi lang crush nararamdaman ko sakanya. pero sa isang side ng utak ko, natakot ako na malaman niya nararamdaman ko sakanya. so sinubukan ko ibaling sa iba nararamdaman ko sakanya. pero tumigil din ako. hindi ko kayang lokohin sarili ko. siya talaga mahal ko. sa huli, inamin ko din sakanya nararamdaman ko, na mahal ko siya. pero mukang huli na ako. me gusto na siyang iba. at kahit di nia aminin, nakikilala ko kung sino un.aside from that, iniiwasan na din niya ako. para akong unti unting panapatay sa sakit.
gusto ko xa mapaniwala na mahal ko siya, na seryoso ako sakanya. Na kung bibigyan lang niya ako ng pagkakataon, patutunayan ko un sakanya. pero paano ko gagawin un, kung sa iba nakabaling puso niya? kung hindi niya pansin ang ibang lalaki sa paligid niya maliban dun sa ngugustuhan niya? haiiizzzzt…. i guess im destined to be broken…